Wednesday, October 27, 2010

“Pagboboipren”




Psst.
Excuse me po, parang may MALI?!


Ewan ko ba?! Pero ayaw kong magpakadalubhasa sa mga espekulasyon ko tungkol sa pamagat ng nirereklamo ko.
Nakakaasar na kasi, nakakatindig balahibo, minsan. Pero pede naman di ako makialam dba? Kaso gusto ko lang ipahayag ang mga nakikita ko sa mga nakapaligid sa akin. NAMULAT AKO! Nagising sa katotohanan.


Maraming kababaihan ngayon na nabiktima sa sariling kabobohan at katangahan! Pwede na ring KALANDIAN! Diko malaman kung baket karamihan ay halos nilalantad na nila ang mga kaluluwa nila para mapansin lang. Naka-miniskirt nga libagin naman ang tuhod! Parang pinahiran lang ng uling. Ha-ha Meron namang masyadong mababa ang neckline ayon lupay-pay na ang bulubunduking siopao parang tanawin na ng lahat! Pero napanis na pala kasi marami ng nakatikim as usual ang landi.

Bakit naman kasi nagmamadali diba? Panapanahon lang yan! Merong nakatakda para sayo! Kung makapag hintay ka lang sana “BUO” ka pa ngayon, malinis at mukha pang karespeto-respeto. Oh! diba? SUS!


Mga Kategorya:


Para kang straw?!

Mga kababaihan talaga oo! Hinahayaan nilang malunod nalang sila sa isang bahagi ng mundo. Pag di makahaon, sisirain buhay! May pasuntuk-suntok pa sa pader habang tumutulo na sipon sa kakaiyak! Magpunas ka oi!mahiya ka naman! Natural pinasok mo yan dapat mo lang paghandaan at dapat marunong kang umaahon.

Nasaan ang mga paninindigan mo ngyon? Hahayaan mo nalang bang lunurin yun? Parang balewala nlang ba sayo lahat ng mga pinagsasabi mo? Ay! Wag ganun! Wag kang gumaya sa iba. Hinihigop ka lang ng nararamdaman mo. Magtira ka sa sarili mo. Wag mo hayaang isang “softdrinks” sa plastik ka lang, pagkatapos mahigop, ayon itatapon kahit saan! MAGMUMULTA KA sa MMDA nyan eh!



Hoy! Feeling Prinsesa ka!

Dati naman okey ka na sa shirts at jeans? Ung secure ka kung san ka pumupunta, ung di ka conscious kahit sino nakakatingin sayo kasi wala namang kabastus-bastos na tanawin sayo. Dati rin pulbo lang pinapahid mo sa mukha mo! Ngayon putek! Para ka ng natatae na nagpipigil sa pula ng mukha mo eh! Umayos ka nga!

Tapos sa kalye, hala sige! Kung makakapit ka para kang unggoy! Hoy! Di puno yan! Tapos eto pa, dati mukahang makikipagsuntukan. Ngayon! Ayon! Ang hinhin! Parang liliparin na ng hangin! Hay! Pawang pagpapanggap lang ang lahat! MATAUHAN KA! DI BAGAY SAYO!



Basahan ka lang!

Ang linis mo dati, ng pinunas ka na sa libaging bagay ayon! Itatapon ka nlang! Limang piso lang kaya ang basahan sa jeep! Pedeng-pede palitan anytime!

Kita mo! Kapag naka-3points shot sa court daig pa nila ang naka-jumper shot sa free throw! Walang bayad yan! Pero napaka-banal na bagay yan na kailangan pa ng basbas!

Pagkatapos mong gamitin, mabilis ka lang ipagpalit sa bago! Mga motibo talaga ng mga kalalkihan! Nakaka-shock! Kakawa ka! Kawawa tayong mga babae!

Para ka lang binaril at nawalan ng buhay. MAG-ISIP KA! GAMITIN ANG ISIP BAGO PUSO at init sa katawan!

Magtrabaho ka nalang! Kesa tinatrabaho ka sa kama!



Tama na nga! lunch-break na!

No comments: